Sayang. Nakahihinayang. Ang lungkot. Nakakaiyak.
Ito ang aking naramdaman sa loob ng tatlumpu at isang araw ng Enero, taong 2011.
What a way to start the year di ba? Napaka-negatibo. Pero 'yon talaga ang nararamdaman ko sa ngayon lalo na itong mga huling araw.
Opurtunidad. Pagkakataon. Tao.
Sayang. Nakakasawa. Nakakasakit.
Marahil sa pagtanda ng isang tao, kaakibat nito ang pag-iisip sa kung ano nga ba ang daan na dapat na tahakin ng isang indibidwal. Make sense? (sigh) Bakit ko nasabi ito? Nadaanan ko sa Friendster ang aking lumang blog post na patungkol sa purpose ng isang tao sa buhay. Noong panahong iyon, ang sagot ko sa ideyang "purpose" ay nalilito ako. Ngayon, mukhang ganoon pa rin.
Pinipilit ko naman na maging masaya, na maging maayos ang lahat. Pero pinili ko rin na maramdaman ang down moment na ito. Hinayaan kong tumulo muli ang luha. Masarap pala umiyak. Sa tuwing ako'y naluluha, naaalala ko ang malulungkot at masasakit na nakaraan.
Masasabi ko talagang ang taong 2010 ay isa sa pinakamasayang taon sa buhay ko. 2010 ang taon na nakabangon ako sa matinding pagkalugmok. Pagkalugmok na iilan o wala ngang tao ang tunay na nakaaalam. Ngayon, matuturing kong mas matatag na ako sa mga nangyayari. Pero ayon, dumaan naman ang ibang klase ng pagsubok.
Higit sa dalawa ang aking dinadalang problema ngayon ngunit ito'y maaaring makolekta sa iisang salita: ang panghihiniyang.
Opurtunidad. Pagkakataon. Tao.
Sayang. Nakakasawa. Nakakasakit.
Nakahihinayang talaga. Pero dapat unawain na lang.
Solusyon: Move on.
Sabi nga ni Astroboy: "Onward & upward."
Tomo.
Kailangang tanggapin.
In His time.