Tuesday, July 14, 2009

Chasing happiness

Reposted. April 21, 2008.

Chasing happiness


Kalungkutan? Uso 'yan! Malamang sa malamang na isang beses sa buhay mo, dumaan ka sa punto na animo'y puro kadiliman na lamang ang nakikita mo. (Maaari ngang habang binabasa mo ito ay siya rin namang patuloy na pagtangis ng iyong kalooban dahil na rin sa dinadala mong problema.) Kumbaga, dumaan ka at naranasan mong pagmasdan ang kawalan ng kulay sa iyong buhay. Sa mga puntong ganito, puro katanungan na lamang ang nasasambit ng iyong bibig. "Bakit ko dinaranas ito?" "Deserve ko ba ito?" "Bakit? Bakit?" May mga katangahan din namang naiisip ng iyong kautakan. "Gusto ko nang mamatay!" "Ayoko na!" "Suko na ako!" "Huhuhuhu."

Ano nga bang bumabagabag sa'yo? Marami? Anong solusyon? Hanapin mo ang iyong kaligayahan.

May tinago akong mensahe sa aking cellphone patungkol sa happiness. (Galing ito sa itinuturing kong isa sa pinakamalalapit at pinakamalulupit na tao sa aking buhay.) Sabi sa text: "Happiness is a very subjective factor in one's life. Being happy doesn't depend on achieving what you want, but making the best out of what is given. Life isn't fair; it never was. The only thing that can make you completely happy is contentment. Be contented on what you have, but be sure to aim high and never stop believing you can do better everytime. But if all else fails, don't forget that an ordinary you has an extraordinary God to back you up."

Oo. Tama ang text. Hindi lang ako sang-ayon sa pag-iisip na sa araw lamang ng kagipitan, tsaka tayo tatakbo o iisiping nariyan si Papa God. Sa oras man ng kasiyahan, kagipitan o kung ano mang sitwasyon na naroon tayo, nariyan Siya palagi. Kulang lamang tayo sa pananampalataya. Kung matatagpuan mo ang kaligayahan sa piling ng Niya, wala ka nang hahanapin pa.

Nasa sa atin talaga ang kasagutan. Tayo mismo ang nagpapakumplika ng mga bagay. Nasa sa atin kung nanaisin nating patuloy na pahirapan ang mga sarili natin. Pwede mong unti-unting patayin ang sarili mo sa pamamagitan ng palagiang pag-iisip sa mga nakapagpapalungkot na mga bagay o mga nakapagpapabagabag na mga nakalipas.

"Sana hindi ko na lang nagawa iyon!" "Kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan!" Kaso nga, hindi. Mayroon kang choice na gamitin ang nakaraan para sa ikauunlad mo. Ganoon naman talaga dapat ang buhay ng tao. Habang dinaranas natin ang mga bagay bagay, patuloy nitong binabago ang ating pag-iisip. Hinuhulma nito tayo. Mas nagiging mature tayo. Sabi nga, it's part of growing up.

Maikli lang ang buhay para patuloy na aksayahin ang ating panahon sa kalungkutan at mga nakapanghihinang nakaraan. Huwag mong sayangin ang mga sandali. May panahon ka pa. Tara, sagarin natin ang mga natitirang araw ng ating buhay. Maglingkod. Magsaya. Gumawa ng mabuti sa kapwa. Mag-iwan ka sa kapwa na maituturing na makabuluhan o signipikante.

No comments: