Thursday, January 14, 2010

No Time to Recover



Hindi pa man nakababangon sa dinulot ng nakaraang unos, dumating na naman at nanalanta ang isa pang pamilyar na kombinasyon ng hangin at tubig.

Sa pagkakataong ito, mas malaki ang pagbabago na idunulot ng bagyong ito. Mas marami itong tinangay na mahahalagang bagay sa aking bahay at buhay.

Siguro ganito lang talaga ang buhay. Walang kasiguraduhan. Biglaan ang lahat.

Ayon sa isang script sa katatapos lang na Panunuluyan 2009: "Ang paglisan ng isang tao ay hindi nangangahulugang natatapos na rin ang buhay para sa'yo."

Sa kabila ng lahat ng paghihirap na dinaranas, ang mahalaga ay may natutunan sa bawat karanasan. Mahirap; walang nagsabing madali. Pero kakayanin. Walang dapat gawin kung hindi ang kayanin at ipagpatuloy ang buhay.


Pabangon. Paahon. Bring it on.

No comments: