Kailangan pa bang lumisan ang isang tao o mawala ang isang bagay bago malaman ang tunay na kahalahagan ng nilalang o ng bagay na ito?
Kadalasan, ito ang nagiging sitwasyon. Bunsod ng pagbabalewala at kakulangan sa pagpapahalaga, dala na rin siguro ng mga maling pag-iisip at pagpapa-prayoridad, may mga bagay tayong napapababayaan at hindi nabibigyan ng pansin. At sa huli, naroon talaga ang pagsisi. Isang araw ay magigising na lang tayo sa isang masaklap na katotohanan na huli na pala ang lahat.
Napakaikli talaga ng buhay kung tutuusin. Pero, bakit nga ba tayo nanatiling matatag sa ating nakagawiang paniniwala at patuloy na umaasa? Sapagkat, tao tayo. Takot. Nagmamadali. Walang tiwala sa hinaharap. May saysay nga ba ang pithaya? Minsan nakapapagod na rin talaga. Parang wala ng kakapitan pa.
Nalalapit na ang magaganap paglisan. Paglisan na walang kasiguraduhan. Nakangangamba ngunit kinakailangan na.
No comments:
Post a Comment