Monday, April 12, 2010

A Very Special Day


It's the day of my dearest bestfriend Jody Anne Alarva.
I wish you all the happiness in life.
Patience is really a virtue.
Thank you for everything!
You deserve all the goodness and happiness in life.
I'm just here no matter what.
Stay happy & humble! -oo,-
Haburdei Jods! -oo,-

Wednesday, March 10, 2010

If You Don't Wanna Love Me

Another James Morrison song. Love this song.

It's so current! oO.

"I am going nowhere! I'm gonna stay!"

Monday, March 8, 2010

Senakulo 2010 Preparations



24 Days to go and it is already Good Friday!
Ang bilis.
Gabi-gabi, patuloy ang pag-practice ng mga miyembro ng San Isidro Labrador Parish Youth Ministry.
Walang hingahan.
Katatapos lang ng aming Divisoria trip at pictorials this weekend.
Marami pang mangyayari!
Ang dami talagang nangyayari. Marami pang kulang sa casts, props at costume.
Bro, gabayan niyo po kami. Pagkalooban niyo pa po kami ng lakas para ipagpatuloy ang pagseserbisyo.
Nawa'y maging matagumpay ang Senakulo 2010.
Aja PYM! oO.

Monday, February 22, 2010

Emo %&#@!

I have to stop being emotional. (There are things meant to be unsaid. Masking my real emotions. Pretending not to be suffering, hurting.)

I have to start caring less. (Will not show you that I care but I'll continue loving you.)

I have to start loving myself more. (So that when the right time comes, I'll be good enough for you.)

I have to... not that I want to... but i need to.

Emo %&#@!

Few small steps and a leap of faith

Heto ang mga panahon na kailangan ko ng isang taong madadamayan. Kailangan kita. Nasaan ka na?

Minsan mapapatanong ka na lang: Bakit? Why do certain things happen?

Hindi pa man nakahihilom ang sugat, dinagdadagan pa ito ng panibagong lalim.

Hilo.

Lito.

Lutang.

Hinahanap ang mga kasagutan.

Naghihintay.

Naghahanap araw-araw ng panibagong rason para mabuhay.

Ito talaga ang panahon...panahon ng walang kasiguraduhan... walang madamayan...

Pasasaan pa man, aasa na lang sa ihahatid ng panibagong bukas.

Kakapit. Kakapit. Kakapit.

Magsisimula sa maliliit na yapak hanggang sa isusuko na ang sarili sa pagtitiwala na may nakalaang kasiyahan pang makakamit bukas.

Sunday, January 24, 2010

Nasa punto ng kawalan

It seems like nothing matters anymore

Too blind.
Too deaf.
Too hurt.
Too broken.
Too tired.
Can't find any reason to live.

Thursday, January 21, 2010

Sagad na

A very good friend of mine told me: "Sagarin mo (na) 'yong natitira sa'yo hanggang (sa) wala na talaga."

Nalalapit na. Nakakapagod na talaga.

Magpapaalam na po ako.

Tuesday, January 19, 2010

Sunday, January 17, 2010

Kung sino ka man

Whoever you are, i really need you right now.
Para akong tupang naliligaw ng landas.
Walang nakaaalam. Walang nakaiintindi.
May bukas pa nga bang naghihintay?
Sana nariyan ka. Kailangan kita.

Paglisan



Kailangan pa bang lumisan ang isang tao o mawala ang isang bagay bago malaman ang tunay na kahalahagan ng nilalang o ng bagay na ito?

Kadalasan, ito ang nagiging sitwasyon. Bunsod ng pagbabalewala at kakulangan sa pagpapahalaga, dala na rin siguro ng mga maling pag-iisip at pagpapa-prayoridad, may mga bagay tayong napapababayaan at hindi nabibigyan ng pansin. At sa huli, naroon talaga ang pagsisi. Isang araw ay magigising na lang tayo sa isang masaklap na katotohanan na huli na pala ang lahat.

Napakaikli talaga ng buhay kung tutuusin. Pero, bakit nga ba tayo nanatiling matatag sa ating nakagawiang paniniwala at patuloy na umaasa? Sapagkat, tao tayo. Takot. Nagmamadali. Walang tiwala sa hinaharap. May saysay nga ba ang pithaya? Minsan nakapapagod na rin talaga. Parang wala ng kakapitan pa.

Nalalapit na ang magaganap paglisan. Paglisan na walang kasiguraduhan. Nakangangamba ngunit kinakailangan na.

Thursday, January 14, 2010

No Time to Recover



Hindi pa man nakababangon sa dinulot ng nakaraang unos, dumating na naman at nanalanta ang isa pang pamilyar na kombinasyon ng hangin at tubig.

Sa pagkakataong ito, mas malaki ang pagbabago na idunulot ng bagyong ito. Mas marami itong tinangay na mahahalagang bagay sa aking bahay at buhay.

Siguro ganito lang talaga ang buhay. Walang kasiguraduhan. Biglaan ang lahat.

Ayon sa isang script sa katatapos lang na Panunuluyan 2009: "Ang paglisan ng isang tao ay hindi nangangahulugang natatapos na rin ang buhay para sa'yo."

Sa kabila ng lahat ng paghihirap na dinaranas, ang mahalaga ay may natutunan sa bawat karanasan. Mahirap; walang nagsabing madali. Pero kakayanin. Walang dapat gawin kung hindi ang kayanin at ipagpatuloy ang buhay.


Pabangon. Paahon. Bring it on.

Pieces Don't Fit Anymore

I am loving this song by James Morrison.