November 29, 2009
Sunday
11:08pm
Pagbabagong naganap.
Makalipas ang anim na buwan, masasabi kong isa na akong ganap na bagong ako. Bago sa pag-uugali. Bago sa pamnanamit. Bago sa pakikitungo sa tao. Bago sa pag-inda ng problema. Sabi nila mahirap magbago. Oo, inaamin ko, mahirap talaga. Lahat ay takot sa pagbabago. Lahat ay takot na umalis sa kanilang comfort zone. Pero sabi nga sa episode ng House: "Change is good. Embrace it."
Hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng mga pagbabagong ginagawa ko sa aking buhay. Pero ang sigurado ako: Maikli ang buhay para manatili ako sa loob ng aking kahon; maikli ang buhay para hindi ko subukan na gawin ang iba pang mga bagay. Life has many things to offer and I am grabbing all the opportunities.
Pasan at lakas.
Ang problema, constant na 'yan. Hindi mawawala 'yan. Kahit na ang mga propeta ay hindi exempted sa ganitong mga pagsubok. Mahirap talaga. Kung ganito ang kaso, ang tanging hinihiling ko na lang kay Bro ay mabigyan pa Niya ako ng mas malakas na likod upang kayanin kong pasanin ang mga dagok sa buhay. Itinataas ko na rin sa Kanya ang lahat ng aking pasanin sa buhay. Kaw na po bahala Bro.
Si Bro at si Ako.
Sa ngayon, ito na lang ang aking pinaniniwalaan. Si Bro lang ang nakaiintindi sa akin ngayon. Siya ang nagbibigay sa akin ng karunungan para sa aking mga pagdedesisyon sa buhay. Siya na. Siya na lang talaga.
Ini-enjoy ko na lang ang nalalabing araw ko rito sa mundo.
Naisip kong gawin ang blog dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay sa mga nakalipas na araw. Mga napabayaan. Mga maling pag-iisip. Lahat ng kamalian. Isa pa rin akong hilo't litong indibidwal na pilit bumabangon at nagpapalakas. Bawat araw ay pagsubok. Pero kakayanin pa! Kakayanin pa!
Sunday, November 29, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)